Walang Magawa

Posted: 29 August 2006 by Unknown in Labels: , , ,
0

hay naku, grabe na ito
sadyang napakagulo ng mundo
paulit-ulit na lamang ang mga nangyayari
pakiramdam ko, lahat ay wala nang silbi

tinanong ko sa Diyos kung ano ang saysay ko
matagal bago ko nakuha ang sagot ko
napangiti na lamang ako sa aking tinuran
ano bang karapatan kong magtanong sa Maykapangyahiran?

madalas noon ako ay takot
nahihirapan, laging nakabaluktot
tinanong ko ang Diyos kung bakit nagkaganoon
bakit ba ayaw kong huminahon?

wala lang akong magawa kaya ako gumagawa ng tula
subalit hindi ibig sabihin na ako ay ganap nang makata
pinanganak akong katambal ang ligaya at luha
at natutunan kong kumuha nang lakas sa mga salita

hindi ko na alam kung ano ang isusunod
basta ang alam ko ngayon ako ay malugod
at ito ay dahil sa aking Diyos Ama
na pinapahalagahan pa rin ako sa kabila ng aking mga nagawa

walangmagawa2908061136

0 comments: