Showing posts with label Buhay. Show all posts
Showing posts with label Buhay. Show all posts

Lito

Posted: 01 April 2010 by Unknown in Labels: , , ,
0

Wala lang...
Gusto ko lang magsulat
Magsulat nang magsulat
Hanggang sa maubos
Ang nasa pusong kabos

Ano pa ba?
Hindi ko rin alam
Wala rin namang nakakaalam
Sa kabila ng mga pangyayari
Lilitaw at lilitaw din sa huli

Bakit naman kasi...
Hindi madaling maintindihan
Ang katotohanan at kasinungalingan
Isang malaking palaisipan
Na mahirap paniwalaan



1626lito010410ghdawis

ulan.7

Posted: 10 September 2006 by Unknown in Labels: , ,
0

sa pagbuhos ng ulan
sana ako'y iyong maalala
ang aking ngiti, ang aking tawa
at mga kalokohang aking nagawa

sa pagbuhos ng ulan,
huwag kalimutang ngumiti
lagyan ng tamis ang labi
pagaanin ang sarili

sa pagbuhos ng ulan,
maging maligaya, bumalik sa pagkabata
tumakbo, maging malaya
ang buhay ay minsan kaya bigyang halaga


ulan(7)1009061531