sumikat ang araw sa kanluran
at sa duya'y kinanlong ang ulan
lumagpas ang alon sa dalampasigan
at sa buwa'y nakipagsapalaran
lumisan na naman ang ulap kinaumagahan
nanggimbal ang kulog sa kalawakan
ang kidlat ay biglang nagsialisan
at ang bitui'y nawalan ng kamalayan
umiiyak na naman ang langit
hindi na nakayanan ang pait
ng mundong nasobrahan sa manhid
mawawala na ang mga balakid
patuloy ang hangin sa pagsuyo
sa mapusok at mapagsamantalang ipu-ipo
ang kalikasa'y sirang-sira na
kaya naman ang ula'y hindi pa humihinto sa pagluha
ikasampu2909061452
ymcaoffice
sa pagbuhos ng ulan
sana ako'y iyong maalala
ang aking ngiti, ang aking tawa
at mga kalokohang aking nagawa
sa pagbuhos ng ulan,
huwag kalimutang ngumiti
lagyan ng tamis ang labi
pagaanin ang sarili
sa pagbuhos ng ulan,
maging maligaya, bumalik sa pagkabata
tumakbo, maging malaya
ang buhay ay minsan kaya bigyang halaga
ulan(7)1009061531
hay naku, grabe na ito
sadyang napakagulo ng mundo
paulit-ulit na lamang ang mga nangyayari
pakiramdam ko, lahat ay wala nang silbi
tinanong ko sa Diyos kung ano ang saysay ko
matagal bago ko nakuha ang sagot ko
napangiti na lamang ako sa aking tinuran
ano bang karapatan kong magtanong sa Maykapangyahiran?
madalas noon ako ay takot
nahihirapan, laging nakabaluktot
tinanong ko ang Diyos kung bakit nagkaganoon
bakit ba ayaw kong huminahon?
wala lang akong magawa kaya ako gumagawa ng tula
subalit hindi ibig sabihin na ako ay ganap nang makata
pinanganak akong katambal ang ligaya at luha
at natutunan kong kumuha nang lakas sa mga salita
hindi ko na alam kung ano ang isusunod
basta ang alam ko ngayon ako ay malugod
at ito ay dahil sa aking Diyos Ama
na pinapahalagahan pa rin ako sa kabila ng aking mga nagawa
walangmagawa2908061136